[Verse 1: Loonie] E5 - D5 - C5 Parinig naman ng rap mo! sample naman d'yan Ang ganda naman ng cap mo! arbor nalang yan Ang yabang mo naman! wala ka bang kanta na bago? Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo? Ha? Paulit-ulit ang tanong ng mga tao Wag sanang apurado, anong magagawa ko? Wala akong maisip, masyado pang mainit Akala mo tuloy mukhang suplado pag tahimik Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula Laging puyat! Nagkalat ang papel na nilamukos Andame ng kapeng ipinautos Tinta ng aking bolpen, malapit ng maubos Isang patak na lang pero aking ibubuhos [Hook: Quest] G5 - D5 - C5 - E5 - D5 - C5 Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko Ako ay tao lang din naman na tulad mo Ano ba ang dapat na gawin Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang [Loonie+Quest:] Pasensya na, tao lang Pasensya na, tao lang Pasensya na, tao lang [Verse 2: Loonie] Sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda Lumakad humakbang hanggang sa madapa Wag kang mawawalan ng pag-asa, wag kang madadala Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad Kaya wag kang matakot magkamali Pero alalay lang wag kang masyadong magmadali Yan ang sabi sa akin ng aking itay Na pinapaalala palagi sakin ni inay na kadalasan ay hindi nasusunod Ayoko ng sumali, gusto kong manuod Minsan wala ng gana, ayoko ng mag Rap Kase akala ko dati, alam ko na lahat Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis Ngayon alam ko na kung ba't may pambura ang lapis [Hook: Quest] Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko Ako ay tao lang din naman na tulad mo Ano ba ang dapat na gawin Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang [Loonie+Quest:] Pasensya na, tao lang Pasensya na, tao lang Pasensya na [Verse 3:] Pero di ba tao ka lang din, hindi mo ba napansin? Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin Kahit planuhin mong mabuti, bakit ganun pa din? Di maiwasan na magkamali kahit anong gawin Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran Marami kang detalye na makakaligtaan Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang g'anong alam Ano magagawa mo? Tao ka lang Napapagod, natatakot, naiinip Natatawa, nagtataka, naiinggit Nangangawit, nagagalit, nabibigla Nalulungkot, nauutot, nahihiya Natutukso, nakukonsensya, nauubusan din ng pasensya Nasasaktan, nagmumura pero nagmamahal pa rin kahit natuto na [Hook: Quest] Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko Ako ay tao lang din naman na tulad mo Ano ba ang dapat na gawin Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tao lang pasensya na) Ano ba ang dapat na gawin (ano ba) Dapat bang kamuhian (ano ba) O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang [Loonie+Quest:] Pasensya na, tao lang Pasensya na, tao lang Kagaya mo, tao lang Pasensya na... tao yeah Pasensya na, wala tayong pagkakaiba..